Connect with us

Fingerprint matching analysis ni Mayor Guo at Alice Leal Go, posibleng ilabas ng NBI

Fingerprint matching analysis ni Mayor Guo at Alice Leal Go, posibleng ilabas ng NBI

National News

Fingerprint matching analysis ni Mayor Guo at Alice Leal Go, posibleng ilabas ng NBI

Inaasahang mailalabas ngayong araw ng National Bureau of Investigation (NBI) ang resulta ng ginawa nilang fingerprint matching analysis kina suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at 1 pang Alice Leal Guo.

Sa personal na pagpunta kanina ni NBI Director Jimmy Santiago sa Commission on Elections (COMELEC) ay napag-usapan nila ni Comelec Chairman George Garcia ang kaso ni Mayor Guo kung saan ay 1 pa umanong Alice Leal Guo ang kumuha ng NBI clearance noong 2005 na bukod sa pangalan at birthday ay parehong taga-Tarlac.

Sinabi ni Santiago na pinuntahan nila ang address ng 1 pang Alice Guo sa Quezon City pero nadeskubreng hindi ito tumira doon kailanman.

Nilinaw naman ni Santiago na sa kaniyang palagay ay wala na itong kaugnayan sa kaso dahil kumbinsido na silang si Guo Hua Ping at si Mayor Guo ay 1 tao lang dahil nagmatch ang kanilang fingerprints.

More in National News

Latest News

To Top