Connect with us

First Lady Liza Marcos, idinawit sa kasong extortion; PNP, nilinaw ang isyu

First Lady Liza Marcos, idinawit sa kasong extortion; PNP, nilinaw ang isyu

National News

First Lady Liza Marcos, idinawit sa kasong extortion; PNP, nilinaw ang isyu

Nadadawit ang pangalan ni First Lady Liza Araneta Marcos sa isyu ng extortion.

Itoy matapos na maaresto ang isang 48 anyos alyas Isko at 2 pang kasamahan nito na kinilalang alias “Joselito” 46 anyos at isang 42 anyos na marines alias “German”.

Nahuli ang mga suspek mula sa isang sumbong ng biktima kung saan si alyas Isko ay nangako ng proteksiyon sa emissions testing at medical business nito sa LTO na kapalit ng P5-M.

Gamit ang pangalan ni First Lady Liza Marcos, tinakot umano ang biktima na kung hindi magbibigay sa hinihinging pera ay ipakakansela nito ang lahat ng transaksiyon at negosyo ng biktima.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief Col. Jean Fajardo, nilinaw aniya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na wala anilang kinalaman si FL LAM sa operasyon bagay na hinuli ang mga suspek dahil sa panloloko.

Muling nakikiusap ang PNP sa publiko na maging alerto at mapagmatyag lalo na sa mga katransaksiyon para maiwasang mapahamak at malagay sa panganib ang buhay.

Kasabay nito ang pangako na mapanagot ang sinuman sa paglabag sa mga umiiral na batas.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Art. 293 of the Revised Penal Code (robbery extortion) na ipipila naman sa city prosecutor’s office ng Pasay City.

More in National News

Latest News

To Top