National News
First quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, kinansela dahil sa COVID-19
Kanselado na ang pagsasagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill para sa unang bahagi ng taon.
Ito ay kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng National State of Public Health Emergency sa bansa dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Gagawin sana ang 1st quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Marso 12, 2:00 pm.
Sa ngayon ay wala pang itinakdang petsa ang Office of the Civil Defense kung kailan na lamang gagawin ang nasabing aktibidad.
Ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ay isinasagawa ng pamahalaan upang gawing handa ang publiko sa posibleng pagtama ng The Big One o malakas na lindol sa Metro Manila at karatig-probinsya nito.