Regional
FLASH | Mga sundalo at rebelde, nagka-engkwentro sa Irosin, Sorsogon
Sumiklab ang engkwentro sa pagitan ng militar at mga rebelde sa Sitio Tongdol, Barangay Gabao, Irosin Sorsogon.
Ito ay sa gitna ng umiiral na unilateral ceasefire habang hinaharap ang problema sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa inisyal na impormasyon, alas-8 ng umaga nagsimula ang engkwentro ng magkabilang panig.
Nabatid na nagsasagawa ng intelligence monitoring ang 31st Infantry Batallion ng Philipine Army, 1st Provincial Mobile Force Company at Sorsogon Police nang makaharap ang mga rebelde.
Tumagal ng 10 minuto ang palitan ng putok bago tumakas ang mga rebelde at iniwan ang katawan ng nasawi nilang kasamahan.
Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro isang M16 rifle, ilang anti-personnel mines at ilan pang gamit.
Nagpapatuloy na ang hot pursuit operation ang mga sundalo.