National News
Flood control master plan, dapat nang unahin ng gobyerno
Dapat unahin na ng pamahalaan ang pagkakaroon ng flood control master plan ayon kay Sen. Bong Go.
Aniya, hindi na maaaring antayin pa ang panibagong bagyo bago tuluyang tugunan ang malawakang pagbaha na nararanasan sa Metro Manila.
Matatandaang ipinagmalaki pa ni Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo na nasa 5,521 ang nagawang flood control projects mula taong 2022 hanggang 2024.
Subalit nang tumama ang bagyong Carina ilang araw matapos ang SONA ay doon na fact check ang mga flood control project dahil mistulang wala itong epekto laban sa baha.