Connect with us

Food security plans ng pamahalaan, tatalakayin sa Senado

Food security plans ng pamahalaan, tatalakayin sa Senado

National News

Food security plans ng pamahalaan, tatalakayin sa Senado

Nais talakayin ni Senador Robin Padilla ang mga plano at aksyon ng pamahalaan para tiyakin ang seguridad sa pagkain sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.

Naghain ng Senate Resolution 1024 si Padilla na diringgin ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na kanyang pinamumunuan ang imbestigasyon in aid of legislation.

Ayon kay Padilla, may karapatan ang taong-bayan na malaman ang plano ng pamahalaan para tiyakin ang food security ng bansa na mahalaga sa kalusugan at pagpapababa sa antas ng kahirapan.

Ang kanin aniya ay prominent staple food sa mga tahanan hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa sa Asya at tayo ang pinakamalaking rice importer sa mundo noong 2022.

Sa kabila ng pagpapatupad ng price ceiling sa bigas ng Marcos administration noong huling bahagi ng 2023 tumaas pa ang presyo ng bigas.

More in National News

Latest News

To Top