COVID-19 UPDATES
Football coach sa Spain, patay dahil sa Coronavirus Disease
Patay ang 21-anyos na Spanish football coach na si Francisco Garcia dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Batay sa report, nakaramdam ang youth team coach ng Malaga-Based Club Atletico Portada Alta ng kahalintulad ng isang Leukemia.
Nadiskubre ang pagkakaroon nito ng Coronavirus at Pneumonia ng makaranas ito ng hirap sa paghinga.
Nagpahayag naman ng labis na kalungkutan ang mga kasamahan nito sa koponan dahil sa pagpanaw ni Garcia.
