Connect with us

Foreign policy ng administrasyon, pinuna ng ilang senador

Foreign policy ng administrasyon, pinuna ng ilang senador

National News

Foreign policy ng administrasyon, pinuna ng ilang senador

Pinuna ng 2 senador ang foreign policy ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa isang interview sa media araw ng Lunes, ika-15 ng Abril ay tinawag ni Senador Robin Padilla na “drastic” o marahas ang hakbang ni Marcos para sa relasyong panlabas ng bansa.

Partikular na tinukoy ni Sen. Padilla ang lumalalang tensyon sa South China Sea dahil sa pagkiling ng gobyerno ng Pilipinas sa bansang Amerika kontra sa China.

“Wala na sigurong pinakamatinding statement galing sa US kasi ibig sabihin nito nasa waiting game tayo? Pag may nangyari, basaan ng tubig di tayo gumanti, may nadisgrasyang Pilipino servicemen, ibig sabihin enacted na ang MDT (Mutual Defense Treaty)? So mabigat ‘yan. Ang defense treaty mabigat ‘yan. Ibig sabihin giyera na,” ayon kay Sen. Robin Padilla.

Para naman kay Senate Minority Leader at Former Chairperson ng Committee on Foreign Relations Aquilino “Koko” Pimentel Jr. ang Pilipinas ay dapat maging kontributor sa pagpapahupa ng tensyon sa mundo.

Apektado na aniya ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia, at nang Iran at Israel ang presyo ng mga bilihin, asahan na na mas lalo pang maapektuhan ang ekonomiya kung makikigulo pa ang Pilipinas sa bansang China.

“Kahit ang gulo ay wala sa rehiyo natin apektado po tayo sa presyo ng mga bilihin. ‘Yung mga shiniship nga ‘dun sa Middle East tumaas na po ang cost nila eh. Sa insurance pa lang tumaas na eh. So, apektado rin ang ekonomiya natin,” ayon naman kay Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.

Maging ang trilateral summit sa pagitan ng US, Japan, at Pilipinas na isinagawa kamakailan ay pinuna rin ng senador.

Kinuwestiyon ni Senador Koko kung bakit milyon-milyong dolyar na halaga ng military support para sa EDCA sites ang isinusulong ni US President Joe Biden para sa Pilipinas.

Ipinunto ng senador na bagamat makasaysayan ang pagpupulong ng 3 bansa ay hindi naman positibo ang dala ng military support para sa ating bansa.

Mas maganda aniya kung pagpapabuti sa ekonomiya ang tinalakas sa nasabing pagpupulong ng 3 pinuno ng bansa.

“Yang mga military agreements wala tayong mararatnan jan.”

“Kaya ‘yun lang po ang aking dasal na ‘yung trilateral ay more on economic. Mag trade-in tayo tulungan tayo ng America tulungan tayo ng Japan. Mas mayayamang bansa sa atin yan eh. Bilhin nila ang mga Filipino products hindi naman tayo nagsasabi na bigyan mo kami ng limos eh,” saad pa ni Sen. Pimentel III.

More in National News

Latest News

To Top