Regional
Foreign students sa Cagayan, mahigit 400 lang; dagsa ng Chinese students, pinabulaanan
Pinabulaanan na mismo ng mga higher education institutions (HEIs) sa Cagayan ang sinasabing pagdagsa ng mga Chinese student sa probinsya.
Sa katunayan anila, nasa 486 lang ang kabuoang foreign students sa St. Paul University Philippines sa Tuguegarao City kung saan ang mga ito nag-aaral.
Sa datos nitong April 17, 2024, binubuo ang mahigit 400 na foreign students ng mga mag-aaral mula Estados Unidos, Chinese, Indonesians at Vietnamese.
Taliwas ito sa sinasabing 4.6-K enrollees ng ibat-ibang media agencies.
Ang mga paaralan tulad ng University of Cagayan Valley, University of St. Louis Tuguegarao at Medical Colleges of Northern Philippines ay walang kasalukuyang foreign students.
