Connect with us

Formal bilateral meeting ng Pilipinas at Amerika, isinabay sa Shangri-La Dialogue

Formal bilateral meeting ng Pilipinas at Amerika, isinabay sa Shangri-La Dialogue

National News

Formal bilateral meeting ng Pilipinas at Amerika, isinabay sa Shangri-La Dialogue

Nagsagawa ng formal bilateral meeting sina Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. at US Defense Secretary Lloyd Austin kasabay ng 21st International Institute for Strategic Studies Shangri-La Dialogue.

Layunin ng bilateral meeting na pag-usapan at malaman ang naging progreso ng 2 bansa matapos ang ginawang SQUAD meeting sa Hawaii.

Sa kanyang talumpati sa ginanap na new convergence in the Indo-Pacific, sinabi ni Secretary Austin na ang kinakaharap na harassment ng Pilipinas mula sa China ay lubhang mapanganib.

Ibinahagi naman ni Secretary Teodoro ang patuloy na pagsisikap ng Department of National Defense (DND) na mapalakas ang kakayahan ng Pilipinas sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept.

Inihayag din ng kalihim ang kahalagahan ng paghahanap ng ibang paraan upang mas mapalalim at mapag-ibayo ang ugnayan ng 2 bansa lalo na sa cybersecurity, pagbabahagi ng impormasyon at iba pang larangan.

More in National News

Latest News

To Top