Connect with us

Former PDEA Agent Morales, walang personal na ugnayan kay dating Pang. Duterte

Former PDEA Agent Morales, walang personal na ugnayan kay dating Pang. Duterte

National News

Former PDEA Agent Morales, walang personal na ugnayan kay dating Pang. Duterte

Walang personal na koneksyon si former PDEA Agent Jonathan Morales kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. ‘Yan mismo ang kinumpirma ni Morales sa SMNI News.

Ayon sa dating PDEA Agent, wala siyang kinalaman sa ginawang rebelasyon ni Pangulong Duterte na kasama ang pangalan ni Bongbong Marcos sa narco-list ng PDEA.

“Mr. Morales, personal niyo bang kakilala si Presidente Duterte at kayo ba ho ang nagbigay sa kanya ng dokumento tungkol dito kay PBBM,” ayon kay Atty. Harry Roque.

“Hindi po kami magkakilala ni Pang. Duterte, wala, kilala ko lang presidente siya pero hindi niya po ako kilala at wala pa akong ibibigay na dokumento sa kanya dahil ‘yung mga dokumento na ‘yun nasa PDEA,” saad naman ni Former PDEA Agent Jonathan Morales.

Samantala ayon kay Morales, sa likod ng isyu na ito ay mayroong confidential informant na nagpakita ng larawan sa kanya noon bilang kumpirmasyon sa dokumento ng PDEA ukol sa kanseladong operasyon laban nga kay ‘alyas’ Bonget.

“Tinanong ko nga po si Maharlika kung wala pa ba sa kanya, kasi magkakasama po ‘yan sa folder. Kung may mga dokumentong nakarating nakasama doon sa nakapaloob, hindi po puwedeng wala siyang kopya diyan. Kasi ‘yang pictures na ‘yan nakalagay doon sa folder kasama nung affidavit, ‘yung deposition ng witness.”

“Kasi itong mga pictures po na ito talagang inaydentify, sinertipikahan mismo ng confidential informant na siya mismo ang kumuha ng litrato… kung lilitaw ito sa publiko stolen shot po ‘yun,” dagdag pa Jonathan Morales.

“Tanong ko lang, itong confidential informant kasama ba siya sumisinghot o nanonood lamang, sya ba’y kasambahay. Anong tingin nyo? bakit kaya nakuha ‘yung mga stolen shots na ‘yun,” dagdag pa ni Roque.

“Dun sa pagkakakuha niya ng (litrato) meron siyang access kasi may personal information siya, hindi mo pwedeng makuhanan ng litrato ng sikreto kung hindi ka kasama.”

“Sa katunayan nung makaharap ko itong tao na ito talagang nagpakita siya ng pruweba, nagpakita siya ng mga litrato at ‘yung mga litrato na ‘yun iba’t ibang araw o iba’t ibang pagkakataon, at iba’t ibang lokasyon. Pina-identfy ko pa mismo sa kanya kasi doon sa litrato merong sumisinghot talaga,” ani Morales.

At nang lumabas umano ang confidential na datos na ay kinonsulta ni Morales ang dati niyang boss sa PDEA na si Martin Francia pero nagkibit balikat lamang ito na ipaglaban ang katotohanan.

“Talagang sinabi ko dun sa boss ko (Francia) na siya na ‘yung magsalita kaya ang tanong ko sasabihin na ba natin, sabi ko sa kanya. hindi pupwedeng kikilos ako na hindi niya alam, alam niya ‘yan, kaya nga ang sabi nga niya i-deny nalang natin para hindi na magulo… basta ide-deny ko ‘yan, sabihin ko lang wala,” aniya

Una na ngang ikinagalit ni Morales ang paglabas ng datos na ito sa internet na unang nakita sa page ng vlogger na si Maharlika dahil ang dapat aniya na may hawak nito ay mga awtoridad lamang.

Hindi lang umano buhay niya ang nalagay sa panganib kundi maging ang kanyang pamilya.

“Syempre ako dahil sa laman ng information doon sa classified document na iyon talagang nagalit ako doon sa naglabas una doon kay Maharlika parang ang inano ko di man lang inisip ng tao na ito na maaari kong ikamatay ‘yung pangalawa doon sa nagbigay sa kanya,” pahayag pa ni Morales.

More in National News

Latest News

To Top