Connect with us

Former Pres. Duterte, balik Davao City na para sa pribadong buhay

Former Pres. Duterte, balik Davao City na para sa pribadong buhay

National News

Former Pres. Duterte, balik Davao City na para sa pribadong buhay

Naging maingay ang departure area ng Terminal 2 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang flight pabalik ng Davao City.

Bukod sa mga pasahero ay tuwang-tuwa ring sumalubong ang mga personnel sa paliparan.

Paano nga naman, karamihan sa kanila ay labis na nagpapasalamat sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam sa dating Pangulo, sinabi nito na babalik na siya sa pribadong buhay para  magpahinga matapos ang ilang taong subsob sa pagtatrabaho.

Ayon sa kanya, bilang pangulo ng bansa hindi niya pa kasi naranasan ang 8 oras na tulog, bukod pa dito ay na mi-miss niya na rin ang mag-motorcyle.

Bukod pa sa nabanggit wala na siyang pinaplanong gawin maliban na lamang ang maging ordinaryong citizen ng Pillipinas.

Aminado naman si Senator Bong Go kung gaano kainit ang pagtanggap ng taong bayan noong taong 2016 ay siya pa ring kasing init na pagtanggap hangaang sa huling termino ng dating pangulo

Umaasa naman ang senador na maipagpapatuloy pa rin ng bagong presidente ang mga nagawa ni Pangulong Duterte.

Matatandaang nag courtesy call si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kaninang umaga kay dating President Rodrigo Duterte ilang oras bago ang panunumpa nito bilang  pangulo ng Pilipinas.

Samantala nagbigay naman ng pasasalamat si dating Pangulong Duterte sa milyun-milyong Pilipinong nagtiwala sa kanya bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa loob ng anim na taon.

Nabanggit din ni Pangulong Duterte na wala pa silang nagawang pag-uusap ni Vice President Inday Sara dahil sa abala nga pareho ang mag-ama. Gayunpaman, ipinangako nito na bilang ama ay mabibigyan na nito ng pagkakataon na makapag-usap silang dalawa.

More in National News

Latest News

To Top