Connect with us

Atty. Harry Roque, nanawagan sa media practitioners na manindigan kaisa sa SMNI

Atty. Harry Roque, nanawagan sa media practitioners na manindigan kaisa sa SMNI

National News

Atty. Harry Roque, nanawagan sa media practitioners na manindigan kaisa sa SMNI

Nanawagan si dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga media practitioner na manindigan kaisa sa Sonshine Media Network International (SMNI) sa gitna ng mga banta ng pagpapawalang-bisa ng prangkisa nito na aniya’y isang pag-atake sa kalayaan sa pamamahayag.

Ang pahayag ay kaugnay ng imbestigasyon ng Kamara de Representante para silipin ang prangkisa ng SMNI matapos nagpalabas ng umano’y maling impormasyon patungkol kay House Speaker Martin Romualdez.

Sa Kamuning Pandesal forum sa Quezon City nitong Huwebes, November 30, sinabi ni Roque na kung titingnan ang video clip, nagtatanong lang naman aniya ang SMNI anchor ng programang ‘Laban Kasama ang Bayan’ na si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz kay Speaker Romualdez kung may katotohanan ba na P1.8-B na ang kanyang nagastos bilang travel fund.

Nitong Huwebes, naging sentro rin ng imbestigasyon ng Kamara ang isyu ukol sa umano’y nasabing halaga ng travel fund ni Romualdez.

“Sa ngayon na binantaan na ang isang media outfit na SMNI diumano dahil sa fake news na kung titingnan n’yo naman ang clip, eh nagtatanong lamang kay Speaker Romualdez kung may katotohanan na P1.8 billion na ang kanyang nagastos bilamg travel fund, tinatanong po n’ya ‘yun kung totoo. Hinihingan n’ya ng kumpirmasyon si Speaker Romualdez. Ang fake news po kung sasabihin na gumastos ka ng 1.8 billion,” ayon kay Former Presidential Spokesperson, Atty. Harry Roque.

Sa nakikita ni Roque, ang maaaring resulta ng isinasagawang imbestigasyon ay hindi lang aktuwal na pagsusupil ng malayang pananalita, kundi magkakaroon aniya ito ng chilling effect sa freedom of expression.

“Anong resulta ng imbestigasyon. Ano po ang resulta ng imbestigasyon, ito po ay magreresulta sa chilling of the right of freedom of the press na sang-ayon po sa kaso ni Chavez versus Gonzales noong ipinagbawal ni dating Secretary Gonzales ang pag-eere ng Hello Garci tape na ito po ay sakop sa pagbabawal by way of prior (???), hindi lang po ‘yung aktuwal na pagsusupil ng malayang pananalita, kundi mga bagay-bagay na pupuwedeng magkaroon ng chilling effect on freedom of expression and freedom of the press.”

Dagdag pa ni Roque, hindi maaaring gamitin ng kongreso ang banta na ikansela ang prangkisa para supilin ang isang media outfit.

“Iba po kasi ang kaso naman ng SMNI sa ABS CBN. Ang ABS CBN, paso po ‘yung kanilang prangkisa at walang kahit anong magagawa para pilitin ang kongreso kung ayaw silang bigyan ng prangkisa. Pero ‘pag meron ka na pong prangkisa at habang importante ang malayang pananalita at malayang pamamahayag, hindi po pupuwedeng gamitin ang kongreso ‘yung banta na ikansela ang prangkisa para supilin ang isang media outfit.”

“Iyan po ay ipinagbabawal dahil iyan po ay isang form of prior restraint or subsequent punishment na pinagbabawal po ng malayang pananalita at malayang pamamahayag,” saad pa ni Atty. Roque.

Kaya naman, umapela si Roque sa media workers na makiisang protektahan ang kalayaan sa pamamahayag.

“Ang tanong ko nasa’n kayo mga kasama natin sa media sa panahon po na meron na namang banta laban sa kalayaan ng malayang pamamahayag?”

“So nananawagan po ako ngayon sa lahat ng mga media practitioners, kinakailangan po magkaisa muli. Noong Maguindanao Massacre, nagkaisa po tayo, noong mga libel cases na isinampa ni dating (???), nagkaisa po tayo,” pahayag pa nito.

Samantala, nagpahayag naman ng pananaw ang dating palace official tungkol sa puno’t dulo ng sunud-sunod na isyu, mula sa ipinupukol na isyu sa SMNI hanggang sa house resolution kaugnay ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at umanoy impeachment kay Vice President Sara Duterte.

“Well sinasabi ko naman po na pulitika pulitika naman ang lahat ng pinagmumulan ng lahat. At kung titingnan nyo ang mga landmark decisions ng Korte Suprema sa constitutional law, lahat naman ay nagmula rin sa pulitika. From the time of Tañada versus Angara. The time of Francisco versus House of Representatives. From the time of Roque versus Arroyo, lahat po ‘yan pulitika. At hindi po natin maipagkakait na puno lang ng personalan sa panig ni Speaker Romualdez at VP Sara Duterte kaya ito po ay nangyayari,” saad pa nito.

Sa kabilang banda, binigyang diin ni Roque ang pagkapanalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at VP sara bilang presidente ang bise presidente sa isang plataporma ng pagkakaisa o ‘unity’.

“Dahil sa pagkakaisa meron tayong lakas para harapin ang lahat ng pagsubok. Sana po lahat ng sumuporta sa UniTeam kasama na po si Speaker Romualdez ay hindi maging instrumento ng pagkawatak-watak,” giit pa nito

More in National News

Latest News

To Top