Connect with us

FPRRD, ‘di imbitado sa drug war investigation

FPRRD, 'di imbitado sa drug war investigation

National News

FPRRD, ‘di imbitado sa drug war investigation

Hindi imbitado si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa gagawing imbestigasyon ng Kamara hinggil sa umanoy extrajudicial killings na nangyari sa drug war campaign nito.

Hindi rin inimbitahan ang nooy Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y Senador Bato Dela Rosa ngunit ang sumunod nitong hepe na si Oscar Albayalde ay ipinatawag.

Sa pahayag ng House Committee on Human Rights, “out of courtesy” kung bakit hindi na nila ipinatawag si FPRRD at Dela Rosa.

Sa tingin din anila ay hindi naman dadalo ang dalawa sa gagawing imbestigasyon.

Gagawin ang unang house hearing sa drug war campaign ngayong May 22.

More in National News

Latest News

To Top