National News
FPRRD, ‘di na tatakbo sa anumang national post
Muling sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hinding-hindi na siya tatakbo para sa anumang national post.
Sinabi ito ni FPRRD sa isang pagpupulong kasama ang ilang Duterte supporters sa Davao kamakailan.
Paliwanag ng dating pangulo, matanda at pagod na siya kung kaya’t hindi niya na binabalak pa ang isang national position.
Sakali mang tatakbo, hanggang mayor na lang aniya siya.
Ilang buwan na rin ang nakaraan nang unang sinabi ni FPRRD na nakasusuklam na rin ang makialam sa kasalukuyang politika ng bansa.
