National News
FPRRD, hindi sinisi si VP Sara sa tandem kay PBBM
Hindi naalala ni Vice President Sara Duterte na sinisi siya ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pakikipag-tandem niya kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. noong 2022 national elections.
Aniya, hinahayaan sila ng kanilang ama na magdesisyon para sa kanilang sarili o gumawa ng kanilang sariling kasaysayan.
Muli namang binigyang-diin ni VP Sara na kahit natatakot siya sa seguridad ng kanyang ama sakaling makabalik ito sa Pilipinas, wala aniya siyang magagawa dahil gusto ni FPRRD na umuwi kung ito ay makalaya na mula sa detention facility ng International Criminal Court (ICC).
Samantala, may pahayag din si VP Sara hinggil sa kanyang impeachment, lalo na at may mga inilalabas ang mga kalaban na umano’y mga ebidensya laban sa kanya, gaya ng pangangamkam ng pera ng bayan.
