Connect with us

FPRRD, inimbitahan na ng Kamara hinggil sa kanyang drug war

fprrd-inimbitahan-na-ng-kamara-hinggil-sa-kanyang-drug-war

National News

FPRRD, inimbitahan na ng Kamara hinggil sa kanyang drug war

Isang araw matapos magpahayag ng kahandaang dumalo sa pagdinig ng Kongreso, nagpadala na ng imbitasyon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Kamara.

Batay sa imbitasyon ng Committee on Dangerous Drugs sa pamumuno ng chairperson nito na si Rep. Robert Barbers na ipinadala noong Biyernes, Oktubre 18, 2024, nakatakda ang pagdinig sa Martes, Oktubre 22 sa 9:30 ng umaga.

Isa sa mga isyu na tatalakayin ng komite sa naturang pagdinig ang alegasyong extra-judicial killings ng dating pangulo dahil umano sa war on drugs ng administrasyon nito.

Matatandaan na noong Oktubre 17 ay nagpahayag si dating Pangulong Duterte na handa itong humarap sa imbestigasyon ng Kongreso.

Ito’y dahil siya lang naman aniya ang kailangan ng mga ito at para hindi na aniya ipatatawag ang maraming tao.

More in National News

Latest News

To Top