Connect with us

FPRRD, itinanggi ang kaugnayan sa isyu ng ‘destabilization plot’ vs Marcos admin

FPRRD, itinanggi ang kaugnayan sa isyu ng 'destabilization plot' vs Marcos admin

National News

FPRRD, itinanggi ang kaugnayan sa isyu ng ‘destabilization plot’ vs Marcos admin

Nilinaw ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa programang Gikan sa Masa Para sa Masa (GMPM) kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy na hindi niya alam paano siya nadawit sa isyu ng destabilization plot laban sa administrasyong Marcos.

Ibinihagi ng dating pangulo, nang makasama niya ang mga retiradong heneral na wala naman silang ibang napag-usapan kundi ang isyu ng korapsyon sa mga institusyon ng bansa.

Ang isyung ito ay umugong kasunod ng mga ulat na umano’y na-misquote ang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines na si General Romeo Brawner Jr. sa kanyang pahayag na inilabas kaugnay sa mga nagpaplanong patalsikin ang pangulo sa posisyon.

“I really do not know how I was dragged into this. But you know, as a former employee of the government, I remember talking to some of the retired generals.”

“Ang sinabi ko lang naman doon, among others, but the really important point in my discussion was as long as there is no serious issue of corruption.”

“And as a former president, kayong mga retired generals, maybe they have quoted me ng ganun. Pero sabi ko nga eh bring it out in the open, when we talk about kudeta or changing government by force, you talk about it openly, para walang duda,” ayon kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon pa sa dating pangulo, dapat ay alam ni Pangulong Bongbong Marcos kung ano ang mga institusyon ng gobyerno na puno ng korapsyon upang agad itong matuldukan.

Samantala, inihayag ni Duterte na hindi niya masasabi na korap ang kasalukuyang pangulo, ngunit nagbigay ng payo na dapat na magbigay ng utos si Pangulong Marcos upang tuluyan nang mawala ang mga anay ng gobyerno na patuloy na nilulustay ang pera ng taumbayan.

“Pero ang pinaka issue talaga na mabigat, ‘pag may corruption sa gobyerno and it’s rampant, uncontrolled and unabet, (‘yung walang magko-control) pero as long as there is the sense of…at least may Ombudsman, taong bayan, or the president himself, he should know—the president should know because he has at his disposal every information that he can use to counter the threats to democracy.”

“So, walang problema ‘yan, Marcos should know kung saan ‘yung mga weak points especially corruption, doon siya mag-concentrate. Marcos, wala akong masasabi, I would not say that he is corrupt. Pero siya lang. Pero I will not, I cannot make any categorical statement for the others.”

“Granting that, or assuming na totoo ‘yan o hindi, all he has to do is, or any other government na ano, isang sabi mo lang “do not do it”, or if it is a contract amounting to billions, itong mga government-owned corporation. Sabihin mo lang padala mo ‘yung justification mo for approving or disapproving a contract. Para malaman ko kung… Madali lang man,” dagdag pa ng dating pangulo.

Ayon pa kay Duterte ang isyu ng kudeta ay palaging naiuugnay sa korapsyon dahil hindi na ito makontrol.

Nagbigay naman si Duterte ng payo na maaaring utusan ni Pang. Marcos ang militar ukol sa bagay na ito.

“Pero ‘yan ang… Talking about kudeta or a violent overthrow of government, historically dito it’s always corruption. Abuse of authority, uncontrolled—’yung mga abuses na hindi talaga na pipigilan. So, simple lang ‘yan isang salita [lang] ng presidente ‘yan, maniniwala naman lahat.”

“And there’s always the military na mautusan niya na kindly… Because upon his orders the military can always intervene,” saad pa nito.

Samantala, matatandaang, nilinaw naman ng AFP na nananatili silang tapat sa kanilang tungkulin na itaguyod ang konstitusyon at hindi kailanman sasali sa kahit anomang mga kilusan laban sa pamahalaan.

More in National News

Latest News

To Top