Connect with us

FPRRD, may pahayag ukol sa posibleng sabwatan ng CHR at ICC

FPRRD, may pahayag ukol sa posibleng sabwatan ng CHR at ICC

National News

FPRRD, may pahayag ukol sa posibleng sabwatan ng CHR at ICC

Ipinagkibit-balikat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayang ng Commission on Human Rights (CHR) matapos nitong sabihin na handa itong makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) ukol sa pagpupumilit na pag-imbestiga sa kanyang war on drugs campaign.

Ayon kay Chairperson Richard Palpal-latoc, mayroong mandato ang CHR bilang isang independent office kaya naman handa silang makipagtulungan sa ICC sa imbestigasyong ito.

Matatandaang iginigiit ng ICC ang kanilang hurisdiksyon kahit pa opisyal nang nag-withdraw ang Pilipinas bilang miyembro ng nasabing banyagang korte noon pang 2019.

At kahit tinuldukan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang pakikipag-usap ng Pilipinas sa ICC, sinabi ni Palpal-latoc na maaari parin ibahagi ng CHR ang mga nakalap na ebidensya sa Hague-based court.

“We’re done talking with the ICC. Like what we have been saying from the beginning, we will not cooperate with them in any way, shape, or form,” ayon kay Pres. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ngunit itinuring lamang na isang lumang komedya ni dating Pangulong Duterte ang mga pahayag ni Palpal-latoc, at sinabing walang magagawa ang CHR sa kahit anumang uri ng imbestigasyon.

“Old comedy actually, Palpal-latoc could partner with anybody outside of the Philippine territory I don’t mind. ‘Yang CHR, wala ‘mang nagawa, wala nga’ng na pakulong ni isa e’. Wala man silang nakitang patay. Ano ang nakita nilang extrajudicial killing, muiignon patay na magkalaban na nag-away i-tatapon nila sa atin.”

“Marami kayong daldal, e’ kug magulo ang bayan sa mga kriminal,” ayon naman kay former President Rodrigo Roa Duterte

Nanindigan din ang dating pangulo sa kanyang mga nagawang desisyon sa panahon ng kaniyang administrasyon.

“Human rights, ang titigas ng ulo niyo. Mabuti nalang 6 years lang ako napresidente. Totoo ‘yan. Human Rights makinig kayo….hindi ko palulusutin ‘yan. I said it once and I said it twice and I would say it again. Do not destroy my country. Do not destroy our children because I will kill you. Kung hindi mo pa naintindihan ‘yan,” dagdag pa ng dating presidente.

Ayon kay Duterte, hindi niya iniintindi ang mga batikos  dahil ito naman ang madalas na naipupukol sa mga pulitiko at mga may posisyon sa gobyerno.

“I do not mind, because people will always suspect, e’ if you are in government and you stay for the period na ganun katagal, magsabi talaga ‘yang mga baliw, “impossible.”

“Well, kung ‘yan ang gusto mong isipin, go ahead, you have the luxury but ako, magtanong ang diyos sa akin na you are an upright. Well, God, not so much I cannot say that really I’m upright and in the true sense of the word, Why? I have my… you know, Nagnakaw ka ba? Ayan ang hindi ko kaya, hindi ko talaga ginawa ‘yan,” ani dating Pangulong Duterte.

Samantala, pinuri ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang dating pangulo sa mga achievements, paninindigan, at sakripisyo upang sugpuin ang iligal na droga, krimen, at pati na rin korapsyon sa kaniyang panahon.

More in National News

Latest News

To Top