National News
FPRRD, muling binanatan ang party-list system
Muling pinuna ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang party-list system ng bansa.
Para sa dating Presidente, nagagamit ng mga mayayaman ang party-list para makapasok sa gobyerno.
Giit din ni Duterte na binibili na lamang ang mga party-list ngayon at nawawala na ang totoong dahilan kung bakit binuo ang sistema.
“Alam mo kasi ang party, binibili na lang ngayon, or the party has been cornered by people with money,” saad ng dating Pangulo.
Nilinaw naman ni Duterte hindi labag sa batas ang partylist ngunit naabuso ito ng iilan dahil nakakalusot ang mga ito sa kongreso.
Tatlo sa party-list organization na tinukoy noon ni dating Pangulong Digong bilang prente ng CPP-NPA-NDF ang nanalo sa nagdaang eleksyon.
Kabilang dito ang Kabataan, Act-Teachers at Gabriela Partylist.
Hiling naman ni Duterte sa Marcos administration na i-abolish ang party-list system oras na baguhin ng kasalukuyang pamunuan ang 1987 constitution.
