Connect with us

FPRRD, nanindigan sa drug war ng kanyang administrasyon

FPRRD, nanindigan sa drug war ng kanyang administrasyon

National News

FPRRD, nanindigan sa drug war ng kanyang administrasyon

Iginiit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi patungkol sa pagpatay ng tao ang kanyang kampanya noon na war on drugs.

Sa katunayan aniya ay patungkol ito sa pagsugpo ng iligal na droga tulad ng shabu, cocaine, heroine, marijuana, at party drugs na sumisira sa buhay ng tao.

Sa harap nga ng Senate Blue Ribbon sub-committee, binigyang-diin ni FPRRD na hindi siya magso-sorry sa kung ano man ang nangyari sa kampanya kontra iligal na droga ng kanyang administrasyon.

Subalit kanya ring sinabi sa pagdinig sa Senado na aakuin niya ang legal responsibility dito.

Ibig sabihin, handa siyang akuin ang responsibilidad sa kung ano man ang nagawa na mali ng pulisya sa pagsunod ng kanyang utos bilang presidente noon. “For all of its success and shortcomings, I and I alone take full legal responsibility sa lahat ng mga nagawa ng mga police pursuant to my order. Ako ang managot at ako ang makulong. ‘Wag yung police na sumunod sa order ko, kawawa naman, nagtatrabaho lang.”

Nilinaw naman ng dating pangulo na kanyang inabisuhan ang pulisya at kasundaluhan na ‘wag abusuhin ang kanilang otoridad at kapangyarihan.

Ngunit kanya ring ipinunto na responsibilidad ng pulis na supilin ang panlalaban sakaling ayaw sumuko ng mga kriminal.

Sa kabila nito ay binigyang-diin din ni Duterte na hindi kriminal ang kanyang tingin sa mga nalulong sa iligal na droga.

Aniya, parehong biktima at pasyente ang mga ito na nangangailangan ng tulong medikal.

Matatandaan na sa war on drugs ng Duterte administration, pagkatapos madakip o sumuko sa pulisya ang mga nahulihan ng droga ay isinasailalim ang mga ito sa drug rehabilitation.

More in National News

Latest News

To Top