National News
FPRRD, nirerepesto ang desisyon ng korte kay De Lima; ICC, hindi pa rin dapat makialam sa bansa
“Well, anyway, I would not want to question the wisdom of the court in granting, sa judge yan eh, so I will not discuss,” ayon kay Former Pres. Rodrigo Roa Duterte.
Sa kanyang programang Gikan sa Masa Para sa Masa (GMPM) sa SMNI, ito ang naging direktahang pahayag ni dating Pang. Rodrigo Roa Duterte sa desisyon ng korte na payagang magpiyansa ang dating senadora at justice secretary na si Leila de Lima matapos ang higit 6 na taong pagkakakulong.
Sa halagang tig-P300-K pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang dating senadora at iba pang akusado na sina dating Bureau of Corrections Chief Franklin Jesus Bucayu, dating Aide Ronnie Dayan, Joenel Sanchez at Jad Dera, na makapagpyansa sa kinahaharap nitong kaso na may kaugnayan sa iligal na droga.
Si De Lima ay akusado sa umano’y pagkunsinte sa pagpasok ng iligal na droga sa New Bilibid Prison mula May 2013 – May 2015 noong ito ay kalihim pa ng Department of Justice (DOJ).
Samantala, nagbigay din ng pahayag ang dating pangulo sa posibleng pakikipag-ugnayan ni De Lima sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa war on drugs ng kanyang administrasyon.
“Pero yung dito sa ICC, magsama-sama na kayo ng ICC, iha. Isali mo na si Trillanes, kayong mga ugok, pati si France, kayo, nagkunsabo kasi kayo, kayong mga left.”
“Pumasok itong ICC sa pinatay ko, ba’t ang….ninyo, yung mandurugis ka pati kriminal kaya kayo nandito? Bakit kayo makialam sa bayan ko?”
“You do not. Wag nyo kaming gawing ano, Pilipino kami. May sarili kaming justice system at kung may ebidensya naman na may pinatay talaga ako, ang sinasabi ko, extrajudicial killing, tanungin ko sila, Sinong pinatay ko? Mag pangalan ka lang ni isa, wag nang lima. Sino pinatay ko?”
“Hindi man tayo miyembro ng ICC. Bakit tayo pakialaman nila e hindi naman tayo nakikialam sa kanila. I’m not even opposing it. Go ahead. Come, come, come,” saad pa ng dating Pangulong Duterte.
Matatandaang opisyal na kumalas ang Pilipinas sa ICC noong 2019.
