National News
FPRRD sa birthday ni VP Sara: Sa lahat ng anak ko, ito ‘yung may character
Sa programang “Gikan sa Masa Para sa Masa,” binati ni Pastor Apollo C. Quiboloy kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na si Vice President Sara ang may karakter sa lahat ng mga anak nito at talagang maasahan sa public office.
Maaasahan aniya na susugpuin ng pangalawang pangulo ang korupsiyon partikular na sa Department of Education (DepEd).
Bagay na sinang-ayunan ni Pastor Apollo at sinabing nagmana si Vice President Sara sa kaniyang ama pagdating sa pagsugpo sa korupsiyon.
Ibinahagi naman ni Pangulong Duterte ang kaniyang dalangin para sa kaniyang mga anak lalong-lalo na sa kanilang buhay sa public office na sila ay magkaroon ng lakas ng loob.
