Connect with us

FPRRD, tiwala kay Sen. Bato Dela Rosa sa imbestigasyon ng Senado sa PDEA leaks

FPRRD, tiwala kay Sen. Bato Dela Rosa sa imbestigasyon ng Senado sa PDEA leaks

National News

FPRRD, tiwala kay Sen. Bato Dela Rosa sa imbestigasyon ng Senado sa PDEA leaks

Dating Pangulong Rodrigo Duterte tiwalang lalabas ang katotohanan sa imbestigasyon ni Senator Bato Dela Rosa sa PDEA leaks.

“Si Bato ipangako ko sa inyo ilalabas niya ‘yang totoo. Kung ano man ‘yang * ‘yan,” ayon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Buo ang tiwala ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Sen. Ronald Bato Dela Rosa sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa PDEA leaks kung saan sangkot ang pangalan ni Pang. Bongbong Marcos sa umano’y paggamit ng iligal na droga.

Aniya, tapat at mahusay na opisyal si Sen. Bato.

Kaya naman, tiwala ang dating pangulo na lalabas ang katotohanan sa imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa PDEA leaks.

“Magtiwala kayo kay Bato. PMA ‘yan, mahusay na opisyal at straight forward sa buhay niya. Sa pinamahabang panahon they work for me, his good and he will be a leader of our country, we will learn to be protector of peoples interest,” dagdag pa ng dating pangulo.

Araw ng Martes, Mayo 7, nang ipagpatuloy ng nasabing komite ang imbestigasyon kaugnay sa confidential na dokumento ng PDEA.

Sa nasabing pagdinig ay dumalo ang aktres na si Maricel Soriano, isa sa idinadawit sa PDEA leaks issue na kasama umano ni Marcos Jr. na gumagamit ng umano’y cocaine.

Itinanggi ng aktres na siya ay cocaine user pero inamin niya na siya ang may-ari ng condo unit na nakasaad sa dokumento na umano’y sangkot sa iligal na droga.

Matatandaan na nauna nang sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ng iligal na droga si Marcos Jr. at napabilang na ito sa narco-list ng PDEA.

More in National News

Latest News

To Top