National News
FPRRD: Walang kinalaman si PBBM sa isyu ng ICC
Wala raw kinalaman si Pangulong Bongbong Marcos sa balitang pag-isyu ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas ng warrant of arrest kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kahit nga raw ang tulong ng punong ehekutibo kaugnay nito ay hindi rin hinihingi ng dating pangulo.
Ito mismo ang isinagot ni Duterte kay Atty. Sal Panelo sa isang radio interview.
“Hindi nila ako mahuhuli talaga. Mahuhuli nila ako (na) patay.”
“Let me be very clear on this also. Mr. Marcos has nothing to do with the ICC. As a matter of fact, I am not asking for his help. Sarili ko itong… They started even before him. Ako na ang bahala sa sarili ko dito. I will deal with the ICC myself.”
“Hindi ko kailangan si (Pres.) Marcos.”
“Kayong mga sundalo tumabi muna kayo kasi hindi ninyo ito away,” ayon kay former Pres. Rodrigo Duterte.
Bago pa umugong ang balita na aarestuhin na si dating Pangulong Duterte ay makailang beses na nga bang sinabi ni Pangulong Marcos na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.
Bilang isang abogado at dating miyembro ng gabinete ni dating Pang. Duterte, ganundin ang naging pahayag ni Atty. Panelo.
“There can be no basis of a warrant of arrest. Number 1, ang nagi-issue ng warrant of arrest ay ang hukuman. Eh wala ng demanda sa kanya. Yung demanda sa kanyang grave threats ay dinismiss na. So paano magkakaroon ng warrant of arrest? Yung sa ICC naman, isa rin. Bago mag-issue ng warrant of arrest ‘yan, dapat tapos na yung preliminary investigation. Nagkaroon na ng determination ng probable cause. Eh wala nga eh. Ni hindi nga malaman kung nag-iimbestiga sila o hindi. Kasi dapat ino-notify mo yung mga respondents, wala rin yun,” ayon naman kay Atty. Salvador ‘Sal’ Panelo.
Samantala, sakali’t ipilit ng ICC ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa Pilipinas, ito naman ang babala ni dating pang. Duterte.
“Oras na nag-conduct ng judicial probe ‘yan dito, that is a sovereign function. Then, they can be arrested for exercising a sovereign function, ‘cause they are not allowed,” giit pa ng dating pangulo.