Connect with us

Freedom park na venue ng Maisug Rally sa Dumaguete, napuno ng mga heavy equipment

Freedom park na venue ng Maisug Rally sa Dumaguete, napuno ng mga heavy equipment

National News

Freedom park na venue ng Maisug Rally sa Dumaguete, napuno ng mga heavy equipment

Kung kahapon, Mayo 6, ay ilang trak ang nakaparada sa loob ng freedom park ng Negros Oriental ngayon ay andami ng mga heavy equipment na ang nakaparada sa loob ng parke.

Ang freedom park ng Negros Oriental ang kinonsiderang sunod na venue para sa Maisug Rally dito sa Dumaguete City.

Itoy matapos na binawi ng Dumaguete City LGU ang permit na magsagawa ng rally dahil sa kulang daw ang kanilang mga pulis na magbabantay sa malaking pagtitipon.

Pero araw ng Lunes, Mayo 6, nang maglabas ng abiso ang Negros Oriental Provincial Capitol na pansamantalang sarado muna sa publiko ang freedom park sa mismong araw din ng Lunes.

Ito ay para bigyang daan daw ang maintenance and rehabilitation ng parke kasunod ng paggunita sa centennial celebration ng capitol building.

Ngayong araw ay ibat ibang mga heavy equipment na ang nakaparada sa loob ng freedom park.

May mga traktora, dump trucks, payloader, grader.

Ngayong hapon naman ay isang blessing ang isinagawa para sa naturang mga heavy equipment na pinangunahan mismo ni Gov. Chaco Sagarbarria.

Sa panayam ng media, sinabi ni Sagarbarria na ibibigay para sa mga magsasaka ng lalawigan.

Samantala sinabi rin ni Sagarbarria na hindi niya pipigilan ang pagsasagawa ng rally sa freedom park at may kalayaan naman sila na isagawa o ipagpatuloy ito sa Quezon Park.

Continue Reading
You may also like...

Admar Vilando

More in National News

Latest News

To Top