Connect with us

Freeze order laban sa bank account ng NGO, kinuwestyon

Freeze order laban sa bank account ng NGO, kinuwestyon

National News

Freeze order laban sa bank account ng NGO, kinuwestyon

Naghain ng petisyon sa Court of Appeals (CA) ang Citizens’ Disaster Response Center (CDRC) foundation incorporated o na kumukuwestiyon sa inisyung freeze order ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban sa bank account ng CDRC.

May 10, 2024 nang pinigil ng AMLC ang CDRC metro bank examiner branch account dahil sinasabing ang CDRC ay recipient o tumatanggap ng pondo mula sa Leyte center for development na kilalang subject ng freeze order kaya ang account ng CDRC peso account sa metrobank ay itinuturing na may kaugnayan sa account na nasa ilalim ng freeze order.

Sinabi ni Dr. Balingit na lubhang apektado ng naturang freeze order ang operasyon ng CDRC, lalo at hindi na sila makapaglabas ng pondo kaya nababahala na ang mga empleyado.

Sa inahing petisyon, hiniling ng CDRC na ipawalang bisa o harangin ng CA ang naturang freeze order lalo pa at ang CDRC anya ay Non-Government Organization (NGO) na tumutulong sa mga biktima ng kalamidad.

Dinagdag ni Balingit na 4 na dekada na silang tumutulong sa mga komunidad na sinasalanta ng mga sakuna at ang pagpigil sa kanilang bank account ay itinuturing na walang batayan, pinagkaitan sila ng due process at wala man lang proper notice.

More in National News

Latest News

To Top