National News
Freeze order vs. KOJC, mas “deserve” sa legal fronts ng CPP-NPA
Itinuturing ng kampo ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na isang uri ng opresyon ang pagpapalawig ng freeze order sa religious group.
Ito’y dahil maliban sa KOJC, partikular na apektado rin ng freeze order ay ang SMNI (Sonshine Media Network Int’l) at Children’s Joy Foundation (CJF).
Mapapansin na sa ikalawang desisyon ng Court of Appeals (CA), ang freeze order ay magtatagal hanggang Pebrero 2025.
Sa unang desisyon na inilabas noong Agosto 7, nasa 20 araw lang ang itatagal sana ng freeze order.
Dahil sa sitwasyon, binigyang-diin ng kampo ng KOJC na hindi si Pastor Apollo ang tinamaan ng freeze order kundi ang libu-libong kabataan at benepisyaryo ng religious group.
Dapat ring malaman ng taumbayan na hindi nakapangalan sa butihing pastor ang SMNI, KOJC at CJF para ito ay pilayan.
Anila lalong-lalo na sina Jeffrey “Ka Eric” Celiz at dating NTF-ELCAC Spokesperson Dr. Lorraine Badoy, mas karapat-dapat habulin ng freeze order ang legal fronts ng CPP-NPA imbis ang KOJC.
Ang hirit naman ng mga abogado ng KOJC na sina Atty. Israelito Torreon at Atty. Dina Tolentino-Fuentes, dapat “traceable” at “reasonable” ang pagpapalabas ng freeze order lalo pa at sa kaso ni Pastor Apollo ay isa lang ang complainant.
Sa kabila nito, naniniwala ang legal counsel na nanatiling matibay at makakagawa ng paraan ang mga miyembro ng KOJC sa ginagawang opresyon sa kanila.