Sports
Friendly game sa pagitan ng Philippine Army Football Team at Team Azkals, kasado na
Tuloy na ngayong araw ang friendly game sa pagitan ng Philippine Army Football Team at Azkals development team.
Ganap na 3:00 mamayang hapon magsisimula ang laban ng dalawang koponan sa Army Support Command Football Field sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Ang naturang friendly game ay bahagi ng aktibidad ng 123rd Founding Anniversary ng Philippine Army.
Ayon kay Army Spokesperson Col. Ramon Zagala, ang tema ng naturang friendly match ay ‘One Game for the Solidarity, One Goal for the Country’.
Magugunita naman na March 22, 1897 ng maitatag ang Philippine Revolutionary Army na ngayon ay Philippine Army sa Tejeros, San Francisco de Malabon sa Cavite.