Connect with us

FTS ng mga ACM, sinimulan na sa Pateros; Presinto, walang naranasang malaking aberya

FTS ng mga ACM, sinimulan na sa Pateros; Presinto, walang naranasang malaking aberya

National News

FTS ng mga ACM, sinimulan na sa Pateros; Presinto, walang naranasang malaking aberya

Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang Final Test and Sealing (FTS) para sa mga Automated Counting Machine (ACM) na gagamitin sa May 12 elections.

Sa Metro Manila, unang isinagawa ang FTS sa Pateros at buti na lang, wala namang naranasan na malaking aberya sa nasabing presinto.

Sumabak na sa final stage ng pagsusuri ang mga makina na kilala bilang automated counting machines (ACMs) na gagamitin sa May 12 elections sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang yugtong ito ay tinatawag na final testing and sealing (FTS) kung saan ginagawa ito isang linggo bago ang halalan.

Dito sa Metro Manila, unang isinagawa ang FTS sa Pateros.

Sinaksihan ito mismo ng top officials ng Commission on Elections (Comelec), citizens arm, poll watchers, foreign observers, at mga miyembro ng media.

Sabi ni Comelec Chairman Atty. George Garcia, mahalaga ang ganitong proseso para ganap na matiyak na gumagana at handa na sa halalan ang mga makina.

Maliban diyan, makabubuti ang FTS sa mga electoral board para mas lalo silang maging pamilyar sa gagamiting makina sa eleksyon.

Gagana ang makina sa oras na maipasok ang smart card ng electoral board members.

Wala namang nakita na kung anumang nakakabit sa makina.

Bago ang lahat, mahalaga raw na dumaan muna ang makina sa initialization kung saan kailangang maglabas ito ng resibo na nagpapakita na walang karga o laman na boto ang makina at ito naman ang inilabas ng makina sa presinto.

Sa FTS, mayroong totoong botante sa bawat presinto ang bomoto gamit ang totoong balota.

Hindi pinayagan ang pagkukuha ng larawan sa balota dahil totoong pangalan na ng kandidato ang nakalagay.

Sinubo sa makina ang balota para makita kung tinatanggap ito ng makina.

Maliban sa paper jam ay wala namang naranasang malaking aberya.
Mas mabilis daw ang FTS ngayon kung ikukumpara noong mga nakaraang eleksyon dahil napaka-user friendly ng ACM.

Matapos ang botohan, nakapag-print ito ng election returns.

Sa aktuwal na botohan sa ika-12 ng Mayo, dapat mauna ang pag-imprenta ng election return bago ang pagta-transmit ng boto gamit ang internet o Starlink sa mga lugar na walang signal.

Nilinaw naman ng Comelec na hindi bahagi ng FTS ang pag-transmit ng boto para iwas isyu.

Dahil walang transmission na isinagawa, mano-mano ang pagbilang ng boto sa Biyernes ng umaga o tanghali sa FTS.

Pinagkumpara ang mga nasa resibo at balota ng botante sa pamamagitan ng manual verification.

Mayroon daw resibo na hindi nabasa o boto na hindi nabilang dahil nag-over vote ang botante.

Bago ang pagsasara ng botohan, nire-zero ang makina bilang pagpapakita na wala nang laman ang ACM at para mapatunayan ito, dapat may resibo na lumabas.

More in National News

Latest News

To Top