Connect with us

Fuel subsidy na noon pa dapat naipamahagi sa mga tricyle at delivery rider, hindi pa naibigay ng LTFRB

Fuel subsidy na noon pa dapat naipamahagi sa mga tricyle at delivery rider, hindi pa naibigay ng LTFRB

National News

Fuel subsidy na noon pa dapat naipamahagi sa mga tricyle at delivery rider, hindi pa naibigay ng LTFRB

Pamamasada lamang ng tricycle sa kahabaan ng Agham road sa Quezon City ang pinambubuhay ni Kuya Oliver sa kanyang 5 anak.

Dating nagtra-trabaho sa ibang bansa bilang Overseas Filipino Worker (OFW), ngunit umuwi ng Pilipinas matapos magsara ang pinagtra-trabahuan.

“Sa hirap ng buhay lalot ako hindi na ako nakabalik ng ibang bansa. Pandemic hindi na ako nakabalik. Sa hirap ng buhay.”

“Malaking bagay sana sa amin ‘yung ayuda galing sa gobyerno. Pero, hanggang ngayon wala eh, wala na ngang pahinga-hinga pagdating dito sa tricycle,” ayon kay Tricycle driver, Oliver.

P300 pa lang ang kanyang kinita mula sa kanyang pamamasada simula alas 5 ng madaling araw hanggang alas 10 ng umaga ng Martes, April 9.

Babawasan pa aniya ito ng pagkain niya, pambayad sa boundary at iba pang gastusin sa bahay.

Ang makaahon din sa kahirapan ang bukod tanging pangarap ng isa pang tricycle driver na si Kuya Elvis.

Sa 7 taon niyang pagiging drayber kasi ay hindi pa rin sapat ang nauuwing kita para sa pamilya.

Kaya, kumakapit din sila sa mga ayuda na ibinibigay ng pamahalaan upang makatulong kahit papaano.

P1-K naman ang kanyang kinita sa buong araw na pamamasada ng tricycle pero nasasa-id din dahil sa sobrang dami at mahal ng bilihin.

Ang ikinasasama lang ng kanilang loob ay bakit 1 taon na pero hindi pa rin sila nakatatanggap ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.

Kumpleto naman ang kanilang mga ibinigay na mga requirement upang makatanggap ng ayuda dahil sa sunod-sunod na oil price hike.

“Nagtataka kung saan napunta ‘yun bakit kami wala ‘yung iba meron. Imposible naman na magkamali kami kasi dinoble check naman ng officers namin.”

“Sana gampanan nila, kasi pinangako nila ‘yan sa mga TODA, ngayon hindi kami nakatatanggap hanggang ngayon siguro halos 1-year na,” ayon naman kay Elvis, Tricycle driver.

Kaya kung tatanungin daw siya kung marami bang naitulong ang pamahalaan sa kanilang nasa TODA…

“Wala, palpak! Oo, hindi ko maintindihan kung ano ang mayroon ngayon eh hanggang parang maganda sa pangako wala namang naitutupad.”

Hindi lang pala ang mga tricycle driver ang hanggang ngayon ay hindi pa nakakatanggap ng fuel subsidy.

Ang delivery rider na si Francis, ni P1 ay walang natanggap na subsidya o ayuda mula sa gobyerno.

“Hindi ako nakatanggap, siyempre masakit sa amin ‘yun. ‘Yung ibang tao na kasama namin na rider na hindi rin nakatanggap kasi araw-araw tumataas ‘yung presyo ng gas,” saad ni Francis, Delivery rider.

Aminado ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na marami-rami pang mga tricycle at delivery rider ang hindi pa talaga nabibigyan ng fuel subsidy.

Kung kayat, hanggang ngayon ay hawak pa rin ng ahensya ang pondo na noon pa dapat naipamigay.

“Yes, may pondo pa dapat para ‘yung sa last na fuel subsidy. Hindi ire-release kaagad dahil, DILG at tsaka ng DICT dahil hindi pa po nila naibibigay ‘yung complete list ng mga beneficiaries,” pahayag ni LTFRB, Chairman, Asec. Teofilo Guadiz III.

Sinabi naman ng Energy Department na dapat nang mamigay ulit ng fuel subsidy sa mga tsuper lalot matagal nang umabot sa $80/barrel ang presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.

“Ang trabaho doon sa batas ay magbigay kami ng certification ‘yun ay nagawa na po namin na comply namin sila na po ang kasunod na may obligasyon para i-implement ‘yung pagre-release nung mga subsidy towards the recipient. Tini-triggee na ‘yan,” pahayag naman ni DOE, Oil Industry Management Bureau, Director, Atty. Rino Abad.

Ang tugon naman ng LTFRB dito.

“Will now be asking the Department of Transportation to contact DBM po para po mailabas ‘yung pera na gagamitin sa fuel subsidy,” ani Asec, Guadiz III.

More in National News

Latest News

To Top