National News
Fuel subsidy program para sa mga bus na kasali sa DOTR free ride for health workers program, inilunsad
Naglaan ng fuel subsidy program ang Department of Transportation (DOTR) sa mga bus companies at partners na kasama ngayon sa DOTR free ride for health workers program.
https://www.facebook.com/dotrph/photos/a.395811647224644/1659168844222245/?type=3&theater
Katuwang sa programang ito ng pamahalaan ang Phoenix Petroleum Philippines, Inc.
Sa inisyal na implementasyon ng programa, nasa 60 private bus companies ang mabibigyan ng alokasyon na 50 litro ng gasolina araw araw.
Para ma- avail ang subsidiya, kailangan lamang na magkaroon ang mga kumpanya ng hindi bababa sa 2 roundtrips kada araw.
Nasa 7 phoenix fuel stations naman na nakakalat sa ibat-ibang bahagi ng Metro Manila ang magbibigay ng libreng gasolina sa mga kwalipikadong bus units.
