Connect with us

Gabinete ng administrasyong Marcos, dapat may pagmamahal sa Pilipinas – Atty. Vic Rodriguez

Gabinete ng administrasyong Marcos, dapat may pagmamahal sa Pilipinas - Atty. Vic Rodriguez

National News

Gabinete ng administrasyong Marcos, dapat may pagmamahal sa Pilipinas – Atty. Vic Rodriguez

Pinaka-importante ngayon sa paghahanap ng gabinete ng administrasyon ni presumptive President Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.  ay ang mga lider na may pagmamahal sa bansa.

Ito ang iginiit ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni Marcos.

Ayon kay Rodriguez, ikinukonsidera nila sa pagkuha ng mga gabinete ay ang may angking galing, kumikilala sa watawat ng Republika ng Pilipinas at rumerespeto sa Saligang Batas.

Gayundin ang hindi nananawagan ng pagpapabagsak ng gobyerno.

Itinanggi naman ni Rodriguez ang kumakalat sa social media na mga pangalan ng ilang personalidad na itinalaga umano ni Marcos dahil dalawa pa lamang ang pinangalanan na gabinete.

Siniguro naman ni Rodriguez na lahat ng aplikante sa iba’t-ibang posisyon ay siguradong dadaan sa matinding pagsusuri para makasiguro na naka-linya sila sa mga programa nang papasok na administrasyon ni Marcos.

More in National News

Latest News

To Top