Connect with us

Gagawing special election sa Lanao del Sur, “all systems go” na – COMELEC

Gagawing special election sa Lanao del Sur bukas, “all system go” na – COMELEC

National News

Gagawing special election sa Lanao del Sur, “all systems go” na – COMELEC

“All systems go” na ang gagawing special elections sa 12 barangay sa Lanao del Sur bukas, ika-24 ng Mayo.

Batay sa update ng COMELEC, nasa 6,921 botante ang boboto sa 15 clustered precints habang 60 pulis ang magsisilbi bilang electoral board officials.

Nakahanda na rin anila ang isang backup vote counting machine (VCM) sa bawat presinto habang nanatiling intact ang mga balota na kasalukuyang nasa marawi provincial capitol.

Tiniyak naman ni Deputy Executive Director Teopisto Elnas na hindi nagalaw, nabuksan o nabotohan noong May 9 elections ang gagamiting mga balota bukas.

More in National News

Latest News

To Top