International News
Gamot vs COVID-19, posibleng mailabas sa loob ng mahigit 1 taon – WHO
Posibleng mailabas ang unang vaccine laban sa 2019 Novel Coronavirus (2019-nCoV) sa susunod na 18 buwan mula ngayon.
Ito ang inihayag ni World Health Organization Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang pulong balitaan sa Geneva, Switzerland.
Sinabi ni Ghebreyesus na dapat gawin ngayon ang lahat ng hakbang upang mapigilan ang paglaganap ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa ngayon, maituturing na “public enemy number 1” ang coronavirus outbreak na nagsimula sa China.
Batay sa huling tala ng Chinese Government, aabot na sa 1,100 ang nasawi dahil sa COVID-19.
