Connect with us

Ganap na pagiging batas ng ilang panukala hinggil sa seguridad, ikinatuwa ni Sen. Dela Rosa

Ganap na pagiging batas ng ilang panukala hinggil sa seguridad, ikinatuwa ni Sen. Dela Rosa

National News

Ganap na pagiging batas ng ilang panukala hinggil sa seguridad, ikinatuwa ni Sen. Dela Rosa

Maraming isla sa Pilipinas ang maaaring paglagyan ng mga persons deprived of liberty (PDL) na nakagawa ng heinous crimes o malakihang krimen.

Ito ang sinabi ni Sen. Bato Dela Rosa sa panayam ng Sonshine Radio kasunod ng pag-“lapse into law” ng Senate Bill No. 1055 at House Bill No. 10355 o mas kilala bilang Separate Facility for Heinous Crimes Inmates Act.

“We know that the Philippines is composed of 7,100 islands, so napakaraming isla po, pwede nating paglagyan ng super maximum security facility para sa ating convicted, heinous criminals doon po yan. Para mabawasan na talaga ‘yung paggawa nila ng mga heinous crimes pa,” ani Sen. Dela Rosa.

Nakakatulong pa aniya ang batas para ma-decongest ang mga piitan ng bansa lalong-lalo na ang Bilibid Prison.

Kaugnay naman sa batas, magtatayo ng maximum facility sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Samantala, ikinatuwa rin ni Dela Rosa na ganap nang batas ang Senate Bill No. 2501 o An Act of Penalizing Willful and Indiscriminate Discharge of Firearms.

Sa ilalim ng batas, hindi na maaaring magpaputok ng mga baril ang sinuman sa anumang selebrasyon halimbawa sa pasko at bagong taon.

“Sa kaso naman ng mga uniformed personnel, ay sigurado silang matatanggal sa serbisyo kapag sila ay gumawa ng discreet firing at dito naman sa mga civilian for life na silang maba-banned sa paghawak ng baril hindi na sila maisyuhan ng license ng firearm at saka permit to carry firearms outside residence kapag sila ay na konbikto sa kasong ito,” dagdag pa ng senador.

Sakaling mahuli ang isang uniformed personnel at sibilyan na lumabag, siguradong may ipapataw sila na parusa dito.

Sa kabilang banda, naisabatas na rin ang Private Security Services Industry Act kung saan isa sa nakapaloob dito ang pagkakaroon ng training ng security guards para sa kanilang seguridad.

More in National News

Latest News

To Top