National News
Gasoline station, pinilahan dahil sa pagbaba ng presyong petrolyo
Pinilahan ang isang gasoline station branch ng Petro Gazz sa Mandaluyong dahil sa pagbaba ng presyo ng petrolyo.
Malaki kasi ang ibinababa sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.
Ayon sa kumpanyang Petro Gazz, nagsimula ang bawas presyo sa produktong petrolyo ngayong araw na tatagal hanggang sa Marso 13.
Paliwanag ng kumpanya, layon ng naturang rollback na maibsan ang epekto ng nararanasang taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa mga motorista.
Sa anunsyo ng Petro Gazz, bababa ng P5.85 ang presyo sa kada litro ng diesel habang P3.60 naman sa kada litro ng gasoline.
