Metro News
Gateway mall, Ali Mall at Farmers Plaza, sarado na simula ngayong araw
Inanunsyo na rin ng pamunuan ng Araneta City ang pansamantalang pagsasara ng kanilang 3 malls sa Quezon City sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa abiso, sinabi ng Araneta City na sarado simula ngayong araw ang Gateway Mall, Ali Mall at Farmers Plaza hanggang sa susunod na abiso.
Sinabi ng management na ang hakbang na ito ay bilang suporta sa pagsisikap ng gobyerno na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 kung saan nasa mahigit 100 na ang apektado sa Pilipinas.
Hindi naman sakop sa temporary mall closure ang mga supermarket, grocery, convenience stores, pharmacies, medical and dental clinics, restaurants na may take-out o food delivery services at mga bangko at iba pang financial institutions.
