Connect with us

GCash, magkakaroon na ng double authentication

National News

GCash, magkakaroon na ng double authentication

Magkakaroon na ng “double authentication” ang e-wallet service provider na GCash para maprotektahan ang kanilang mga customers sa potential hacking sa gitna ng pagkalat ng text scams.

Ayon sa GCash, dalawa pang layers ang idadagdag bago ma-access ng user ang isang account, ito ay ang mga sumusunod:

– OTP o One-Time Password matapos maipasok ng user ang kanyang account number

– sunod na ipapasok ng user ang kanyang mobile banking personal identification number o mpin.

– bubuksan ang camera para matukoy ang pagkakakilanlan ng user.

Sa pamamagitan nito, sinabi ng e-wallet platform na mapipigilan ang mga hackers na ma-access ang GCash acct. sa ibang devices.

Ayon kay GCash Chief Customer Officer Winsley Bangit, gamit ang face recognition hindi na dedepende lamang ang mga “customers’ sa OTPs na madalas ginagamit ng mga scammer.

Samantala, nakipag-ugnayan rin ang GCash sa PNP-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) upang mas mapaigting ang kampanya laban sa fraudulent activities.

Sinabi ng GCash na umabot na sa 2,734 na scam-related cases ang nai-endorso nila sa PNP at mayroon nang 41 naaresto simula noong 2020.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top