Connect with us

Global production ng krudo, babawasan ng 9.7 milyong bariles kada araw

Global production ng krudo, babawasan ng 9.7 milyong bariles kada araw

International News

Global production ng krudo, babawasan ng 9.7 milyong bariles kada araw

Babawasan na ang global production ng krudo ng 10% o katumbas ng 9.7 milyong bariles kada araw.

Ito ay matapos na magkasundo ang Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) at mga kaalyado nito kabilang na ang Russia sa isang record oil deal dahil sa pagbagsak ng demand bunsod ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) lockdown.

Layon ng kasunduan na matuldukan na ang price war sa pagitan ng Russia at Saudi Arabia.

Ayon kay Kuwaiti Oil Minister Dr Al-Fadhel, magsisimula ang oil cut sa susunod na buwan, Mayo 1 at magtatapos hanggang Hunyo.

Kuwaiti Oil Minister Dr Al-Fadhel

Kuwaiti Oil Minister Dr Al-Fadhel

Magugunitang bumagsak sa humigit kumulang 30% ang pandaigdigang demand sa langis dahil sa lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.

Continue Reading
You may also like...

More in International News

Latest News

To Top