Connect with us

GMA, ikinararangal ang tulungan si PBBM

GMA, ikinararangal ang tulungan si PBBM

National News

GMA, ikinararangal ang tulungan si PBBM

Iginiit ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na ikinararangal nitong tulungan si Pangulong Bongbong Marcos.

Si GMA ay kasama sa Philippine delegation at ni PBBM sa nagdaang APEC Summit sa Bangkok Thailand.

Sa isang panayam sa Kamara, giit ni GMA na ‘very flattered’ siya na makasama ang Pangulo sa mga mahahalagang meeting sa APEC.

Giit din nito na kung anuman ang magagawa niya para makatulong sa Pangulo ay isang karangalan sa kanyang panig.

“Anything I can do to help is an honor for me,” saad ni GMA matapos ang maiksing panayam sa kanya.

Kung magugunita, kasama ni PBBM si GMA sa ilang bilateral meetings nito sa Thailand kasama ang ilang Asean leaders.

 

More in National News

Latest News

To Top