National News
Gobyerno, may sapat na pera para mabigyan ng P5,000 kada pamilya na biktima ng bagyong Odette

May sapat na pondo ang gobyerno para makapagbibigay ng P 5,000 pinansyal na tulong sa bawat pamilya na naapektuhan ng pananalasa ng nagdaang bagyong Odette.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People Address nitong Lunes ng gabi.
Una nang ipinangako ni Pangulong Duterte na lilikom siya ng P10-B para sa rehabilitation at recovery efforts sa mga lugar na hinagupit ng nagdaang bagyo.
Ibinahagi pa ng punong-ehekutibo na magkakaloob din ang national housing authority ng 100 million pesos na tulong sa bawat probinsya na tinamaan ng bagyong Odette.
Iniutos din ni Pangulong Duterte sa mga military at police na gamitin ang lahat ng government assets para suportahan ang recovery at rehabilitation efforts sa mga komunidad na sinalanta ng kalamidad.
Binigyang-diin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na marami ang nagawa ng war-on-drugs sa ilalim ng...
Kasunod ng isinagawang media briefing ng bagong upong Interior Secretary Benhur Abalos, malugod na tinanggap ng...
Itinalaga bilang officer-in-charge ng National Bureau of Investigation (NBI) si NBI Assistant Director Medardo de Lemos....
Unang lilinisin ni Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang Land Registration Authority (LRA). Ito ang...
Susundin ng Philippine National Police (PNP) ang nakalatag na nilang major event security framework sa unang...