Connect with us

Gobyerno ng Pilipinas, nagkasundong buhayin ang peace talks sa komunistang teroristang grupo

Gobyerno ng Pilipinas, nagkasundong buhayin ang peace talks sa komunistang teroristang grupo

National News

Gobyerno ng Pilipinas, nagkasundong buhayin ang peace talks sa komunistang teroristang grupo

Muling bubuhayin ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at komunistang teroristang grupong Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Sa isang pagpupulong sa Malacañang, inihayag ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez na kinikilala ng parehong panig ang mga problemang kinakaharap ng bansa at nararapat nang matuldukan ang armadong pakikibaka.

“I am honored to deliver upon the instruction of the President of the Republic of the Philippines, His Excellency Ferdinand R. Marcos Jr., the Oslo Joint Communiqué. This joint communiqué highlights a significant milestone in the quest of the Filipino people to achieve peace, reconciliation and unity. I am therefore privileged to report that the government of the Republic of the Philippines and the National Democratic Front of the Philippines have agreed to a principle and peaceful resolution in ending the armed conflict,” ayon kay OPAPRU, Sec. Carlito Galvez.

Isang joint communique ang nilagdaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front (NDF) na siyang political wing ng komunitang teroristang CPP-NPA nitong November 23, 2023, sa Oslo, Norway.

Sina Special Assistant to the President Sec. Antonio Lagdameo Jr, Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Sec. Carlito Galzez at Gen. Emmanuel Bautista ang nagsilbing kinatawan ng Pilipinas habang ang mga kinatawan para sa NDF party ay sina National Executive Council Member Luis G. Jalandoni; Negotiating Panel Interim Chairperson Julieta de Lima; at Panel Member Coni K. Ledesma.

Sinaksihan naman ni Royal Norwegian Government Special Envoy Kristina Lie Revheim ang nasabing paglalagda ng Oslo Joint Communique.

Samantala, inihayag naman ng NDFP ang mga hiling nito bago muling buhayin ang peace talks sa gobyerno ng Pilipinas.

Ito ay ang:

• Magkaroon ng partisipasyon sa negosasyon ang mga naka-detain na NDFP consultants

• Mabigyan ng immunity ang NDFP members na lalahok sa usapang pangkapayapaan

• Pagpapalaya sa lahat ng political prisoners

• Alisin ang pag-designate sa NDFP bilang terorista.

Magugunitang na-designate ang NDF bilang terrorist organization ng Anti-Terrorism Council (ATC) noong June 23, 2021.

Ang nasabing hakbang ay ang pag-freez ng bank accounts at iba pang financial assets ng organisasyon.

Sa ilalim ng Duterte administration ay binuhay din ang usapang pangkapayapaan ngunit binawi dahil sa patuloy na karahasan na ginagawa ng teroristang grupo.

More in National News

Latest News

To Top