Connect with us

‘God bless the Philippines’ at ‘Para sa Pilipinas kong mahal’, tampok sa bagong billboard ng SMNI sa EDSA

'God bless the Philippines' at 'Para sa Pilipinas kong mahal', tampok sa bagong billboard ng SMNI sa EDSA

National News

‘God bless the Philippines’ at ‘Para sa Pilipinas kong mahal’, tampok sa bagong billboard ng SMNI sa EDSA

Tampok sa bagong billboard ng SMNI na makikita sa kahabaan ng EDSA ang ‘God bless the Philippines at Para sa Pilipinas kong mahal’.

Ito’y bilang pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos at sa ating bayan sa pangunguna ng Honorary Chairman ng Sonshine Media Network International (SMNI) na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

No description available.

Ayon sa butihing pastor, iisa lang ang bansang Pilipinas kaya dapat itong mahalin at pangalagaan laban sa mga ahas na nagnanais na pabagsakin ang pamahalaan.

No description available.

“Mahalin natin ang ating bansa, ito’y nag-iisang bansa kung saan tayo ipinanganak. Inagaw nitong mga ahas eh. Walang ahas dito sa Pilipinas, may mga ahas man diyan, kailangan mawala dito kasi mahal na mahal natin ang bansang ito bilang tayo ay mga Pilipino, ito’y nag-iisang bansa natin”, saad ni Pastor Apollo.

Kilala rin ang butihing pastor bilang ang nangungunang tumitindig ngayon laban sa mga komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF na matagal nang sumisira sa ating bansa.

Ani Pastor Apollo, bahagi ng pagmamahal sa ating bayan ay ang tuluyan silang tapusin.

“Dapat lahat tayo magmahal at magmalasakit, magkaisa. Para kung sinong sumisira sa bansang ito ay talagang putulin natin at alisin dito. Pagmamahal ‘yun,” dagdag pa ng butihing pastor.

 

More in National News

Latest News

To Top