National News
Gov’t offices at mga paaralan, half day ang pasok sa Oct. 31
Suspendido ang pasok sa government offices at lahat ng antas ng mga paaralan sa Oktubre 31, 2024 simula 12:00 ng tanghali.
Batay ito sa memorandum circular no. 67 series of 2024 na inilabas ng Office of the President.
Ang suspensyon ng pasok ay hakbang upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga government employee na gunitain ang UNDAS.
Tanging may pasok ang mga ahensya na involve sa delivery ng basic at health services, disaster response at maging sa iba pang pangunahing pangangailangan.
