Regional
Grade 10 student sa Cebu City, haharap sa kasong homicide
Patay ang isang estudyante matapos tumulong sa kaibigang binubully sa Liloan, Cebu City.
Aksidente nasaksak ng 17-anyos na grade 10 student ang kaibigan nito na sinusubukang awatin ang grupo.
Sa inisyal na imbestigasyon, ginamit sa pananaksak ang balisong na nagsanhi ng mabilisang pagkamatay ng biktima.
Sa ngayon nagsusumikap ang pamilya ng suspek na makahanap ng pera para sa pangpiyansa at mahaharap ang suspek sa kasong homicide.