Connect with us

Graduation rites ng mga paaralan, pinatitiyak na COVID-19 free ng isang senador

Graduation rites

National News

Graduation rites ng mga paaralan, pinatitiyak na COVID-19 free ng isang senador

Pinatitiyak ni Sen. Sherwin Gatchalian sa mga paraalan sa bansa na ang kanilang mga graduation rites ay Coronavirus Disease o COVID-19-FREE.

Ito ay kasunod na rin ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19 sa bansa.

Hinimok rin ni Gatchalian ang Department of Education (DEPED) na gawin ang lahat ng pag-iingat upang mapigilan ang posibleng pagkalat ng COVID-19.

Pagbibigay diin pa ni Gatchalian na dapat tiyakin ng DEPED na nakahanda ang mga paraalan sa kanilang mga hakbang na naayon sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) sa pagdaraos ng mga malalaking pagtitipon.

“Isang masayang okasyon ang pagtatapos ng ating mga mag-aaral at hindi natin dapat hayaang masira ito ng panganib at pangambang dulot ng covid-19. Kaya naman sa ating paghahanda, mahalagang gawin natin ang lahat ng posibleng hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, guro, at mga magulang,” ani Gatchalian.

Dagdag pa ni Gatchalian, batay sa pinakahuling datos noong Marso 2 ng Department of Health (DOH), mahigit 600 katao na sa Pilipinas ang naituring na “Persons Under Investigation” kung saan 3 rito ang nag-positibo sa COVID-19, at higit 40 ang kasalukuyang inoobserbahan.

More in National News

Latest News

To Top