Metro News
Greenhills hostage-taker, sinampahan na ng patong-patong na kasong kriminal
Sinampahan na ng patong-patong na kasong kriminal ang security guard na nang hostage ng mahigit 50 indibwal sa loob ng Virra Mall sa Greenhills, San Juan City noong Lunes.
Kabilang sa kasong isinampa kay Alchie Paray ay frustrated murder, serious illegal detention, illegal possession of firearms and ammunition, at illegal possession of explosive and incendiary device.
Kasalukuyang nakadetine si Paray sa san Juan City Police Station.
Una nang sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na tinanggihan Ni paray ang isang milyong piso na alok ng kanyang security agency at tanging nais lang nito ay ilabas ang kanyang hinaing sa hindi patas na pagtrato sa kanilang mga security guard.