National News
Grupo ng mga propesyunal, mas pabor na panatilihin ang pagsusuot ng face mask sa indoor areas
Mas pabor pa rin ang isang grupo ng mga professionals na manatili ang pagsusuot ng face mask sa mga kulob o indoor areas.
Kasunod ito sa Executive Order no. 7 na inilabas ng Malakanyang na pinapayagan na ang boluntaryong pagsusuot ng face masks sa indoor at outdoor areas sa kabila ng banta ng COVID-19.
Sa, sinabi ni Dr. Benito Atienza, Vice President 3, Philippine Federation of Professional Associations na mahalaga pa rin ang pagsusuot ng face masks dahil hindi lamang ito proteksyon para sa COVID-19 kundi maging sa iba pang sakit lalo na ngayon na sunod-sunod aniya ang pag-uulan sa bansa.
Maging ang medical community aniya, ay mas pabor na ipatupad ang pagsusuot ng face masks sa mga paraalan lalo pa’t simula na ngayong araw ang full implementation ng face-to-face classes.
Kaugnay nito, iginiit ni Dr. Atienza na sa halos 3 taong pananalasa ng COVID-19 sa bansa ay dapat handa na ang mga paaralan sa pagbabalik ng mga mag-aaral at naturuan din ng mga magulang ang kanilang mga anak kung papaano makakaiwas sa virus.
Muli namang hinimok ni Dr. Atienza ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa COVID-19.
