Connect with us

Grupong sumusuporta kay FPRRD, nais syang patakbuhin bilang senador sa 2025

Grupong sumusuporta kay FPRRD, nais syang patakbuhin bilang senador sa 2025

National News

Grupong sumusuporta kay FPRRD, nais syang patakbuhin bilang senador sa 2025

Walang problema kung papasok ulit sa politika si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Atty. Guiling “Gene” Mamondiong, founding chairman ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), iminungkahi nito na tumakbo si FPRRD bilang senador sa 2025.

Kung magbabalik-politika si FPRRD aniya, maganda itong katuwang ni Pangulong Bongbong Marcos.

Nagbigay sagot naman si Mamondiong sa mga komento na mas mainam na pagpapahingahin na lang ang dating pangulo lalo na’t may edad na rin ito.

Aniya, simula’t sapol ay naglilingkod na sa bayan si FPRRD at makikita nga sa kasalukuyan na nag-iikot parin ito at nagbibigay payo pa sa gobyerno kung ano ang dapat gawin tungo sa ikauunlad ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top